obviously not bumming around.
I, together with some WCEL RFID peeps, went with Doc M to San Miguel Packaging Plant in Pandacan, Manila.
Mission: to see how we can help them.
For 198ers, sabi nga ni Doc M, kung hindi immediate need ang research project ninyo, mapapaisip ka nang "Sino naman ang gagamit nito?", "To what end?", "Para san tong pag improve/pag explore ng RFID applications"
Ang tanong naman ng San Mig sa amin, "RFID has been around for more than 10 years now, why has it not been implemented on a wide-scale basis here in the Philippines?"
This is where we come in.
San Mig and hopefully, the UP team, is brewing up something: to develop an RFID framework for tracking San Mig's pallets on a nationwide and archipelagic basis.
Win - Win situation: they get improved chain supply management system, we get a chance to apply the skills we learned in the industry.
Ang sarap ng feeling na at long last, may mapag-aaplayan ka na ng skills mo na natutunan mo sa 198.
We visited their plant, talked to San Mig personnel, heard what their problem is, and met halfway to see how we can help them through RFID.
Doc M introduced us - one by one - proud na proud sa mga dinala nyang tauhan, tulad ng incoming faculty na sina Iris at Sieg. prinesent nya rin ang current and past researches ng lab on RFID. angsarap din nang feeling na binibida ng adviser mo sa audience yung research project mo. Nagpresent na kami sa San Mig before, pero iba kasi pag si Doc M ang nagpresent, napapatango nalang ang taga san mig.
grabe ang planta ng pallets (pallets - yung pinapatunan ng cases ng beer, etc, yung finoforklift, in fairness, kumikitang kabuhayan ang san mig sa pagpaparent dito tsaka mahal ang isang pallet kaya gusto nilang i-track kung nasaan lahat), parang unsafe for workers. ang saya pag marami ang nag-iisip kanina kung anong flavor ng RFID ang gagamitin at kung san ilalagay ang tag sa pallet, pano babasahin, etc.
nakabalik kami ng EEE ng mga 5. tapos umuulan, tapos wala akong kasabay sa venue ng gradbash, tapos tinopak ng pagka anti social == di na pumunta ng grad bash.
marami naman akong natutunan sa aking unang araw bilang graduate. :)