kagabi, pagtapos ng bday celebration ni loulou, pumunta kami nina ian, debbie, jeb at chap sa cello's. antagal na pala akong di nakakapunta dun at nakakakain, noon parang 14 pesos lang yung donuts, ngayon 28 pesos na! 100% increase grabe. (nga pala, paborito ni archel ang cello's...grrrr)
tapos nun umuwi na ako, sabit ako sa katips jeep, tapos pag-alis, biglang bumuhos ang ulan,grabe, kawawa ang laptop ko na nasa bag...para xang charmander na kailangang ingatang di mabasa...salamat sa bag ko at water-resistant nga pala....
habang binabagtas ang katipunan, basang-basa ako. pero ok lang. bigla akong nag-emo. that was my second time na sabit along katips, the first time was nung first year ako, talking to another sabit bout life and all habang nasa kahabaan ng katips. this time, parang pinapaalala ang lahat ng nangyari sa UP life ko
marami akong sabit. as in 3.0. he he. feeling ko tumagal ako sa eee dahil dun.
41,43,51,53 lahat yan 3.0 ako. sabit. not to mention yung 5.0 ko sa ES 11 at ES 12
(pati nga pla 190 ko, 3.0, pero naging 2.25 sa di malamang kadahilanan)
ngayon ko lang na realize na sana nag-aral pala ako ng mabuti, sana masipag ako. sana sana sana
bawat patak ng ulan na dumaplis sa mukha ko, masakit. pinararamdam sa akin ang aking mga regrets sa buhay....
hay life
sana ok na ako sa 198
sana maayos ko ang mga di-pagkakaunawaan ko sa ibang tao, di kasi ako minsan makatulog eh...(he he he, pero sabi nga nila imposibleng n=mabuhay ka ng walang kaaway, or umaaway sa yo)
ang haba na pala nito. di to pwede sa plurk eh,
parang patak ng ulan ang luhang nanggaling sa mata ko , tumulo, bwisit.