Monday, April 27, 2009

How I Spent my first day as a College Graduate

obviously not bumming around.

I, together with some WCEL RFID peeps, went with Doc M to San Miguel Packaging Plant in Pandacan, Manila.

Mission: to see how we can help them.

For 198ers, sabi nga ni Doc M, kung hindi immediate need ang research project ninyo, mapapaisip ka nang "Sino naman ang gagamit nito?", "To what end?", "Para san tong pag improve/pag explore ng RFID applications"

Ang tanong naman ng San Mig sa amin, "RFID has been around for more than 10 years now, why has it not been implemented on a wide-scale basis here in the Philippines?"

This is where we come in.

San Mig and hopefully, the UP team, is brewing up something: to develop an RFID framework for tracking San Mig's pallets on a nationwide and archipelagic basis.

Win - Win situation: they get improved chain supply management system, we get a chance to apply the skills we learned in the industry.

Ang sarap ng feeling na at long last, may mapag-aaplayan ka na ng skills mo na natutunan mo sa 198.

We visited their plant, talked to San Mig personnel, heard what their problem is, and met halfway to see how we can help them through RFID.

Doc M introduced us - one by one - proud na proud sa mga dinala nyang tauhan, tulad ng incoming faculty na sina Iris at Sieg. prinesent nya rin ang current and past researches ng lab on RFID. angsarap din nang feeling na binibida ng adviser mo sa audience yung research project mo. Nagpresent na kami sa San Mig before, pero iba kasi pag si Doc M ang nagpresent, napapatango nalang ang taga san mig.

grabe ang planta ng pallets (pallets - yung pinapatunan ng cases ng beer, etc, yung finoforklift, in fairness, kumikitang kabuhayan ang san mig sa pagpaparent dito tsaka mahal ang isang pallet kaya gusto nilang i-track kung nasaan lahat), parang unsafe for workers. ang saya pag marami ang nag-iisip kanina kung anong flavor ng RFID ang gagamitin at kung san ilalagay ang tag sa pallet, pano babasahin, etc.

nakabalik kami ng EEE ng mga 5. tapos umuulan, tapos wala akong kasabay sa venue ng gradbash, tapos tinopak ng pagka anti social == di na pumunta ng grad bash.

marami naman akong natutunan sa aking unang araw bilang graduate. :)
 

Sunday, April 26, 2009

After the Sablay turning

Ani blockmate rouelli, we have a nation to change! 

let's get it on! go best batch of engg (for the first 99 years!)

Habang nasa bus

pauwi sa cavite galing ng engg recog, nagkausap kami ni mama.dinescribe ang aming family financial crisis. bottomline: hindi na nila ako kayang i-support sa ms desires ko (for that moment, nagsisi akot binitawan ko ang sun). nang sinabi ko na dapat pinilit nalang nila akong magtrabaho, ang sabi nila, ayaw nilang makialam sa buhay ko. di daw nila ipagkakait na impluwenxahan nila ang isa sa mga mabibigat na desisyong aking gagawin sa buhay.

wala nang atrasan. ms is the way to go. but i need that scholarship. help me god.

bagong twist. ang maging lecturer. pero kelangang mag-apply sa iba pang iskolarship.hindi ako mabubuhay (ata) sa sweldo ng lecturer (kung pagbabasehan ang sweldong nabanggit ni michael ignacio). eh hindi libre ang ms ng lecturer. :(

Current Status Update 3 (because my career is an open book)

declined the sun cellular job offer. 'rejected' is the more appropriate word. nauna ang HR sa paggamit ng term. umoo lang ako.

tinawagan ng Shell, pinalagay ko nalang ang resume ko sa pool. :)

currently working on the requirements for masters and scholarships. hindi alam kung pano sisimulan ang CV at narrative

may hit sa nbi. papatayin ko tlaga si philip aguila martinez.

ang pinakahihintay kong email. teaching demo sa tuesday.kung kelan inclined na talaga akong mag ERDT (hindi pwede ERDT kung lecturer eh)

 

Thursday, April 23, 2009

Cats

natawa ako nung nabalita sa tv yung UP cat killer, pero ngayong nabasa ko ang blog nya, at yes, kilala ko pala xa, seryoso pala itong usapin.

labag sa batas ang ginawa nya, pero nakapanghihinayang ring sirain ang kinsbukasan niya kung xa ay makukulong....

ang kelangan nya ay tamang paggabay at unawa

biktima xa ng cyberbullying....

Friday, April 17, 2009

Current Status Update 2

Tumawag na ang sun cellular. monday daw ang job offer ng 9 am. monday din ang start ng training thingy for doc m at 9 am (at every morning thereof). Sinabi ko kung pwedeng tuesday nalang yung job offer, tatawag nalang daw sila ulit...

di ko na talaga alam. :(

Wednesday, April 15, 2009

Current Status

nag enrol ako sa edge together with WCEL gang + Jang. chinika ni mam yu. parang naengganyo magfultime review nalang

status: 70% masters + review , 20% sun, 10% full time review 

:)

Monday, April 6, 2009

Magpapapaalam na sa iyo ang aking kwarto


yung mga ABCD na ginamit sa datengg game (winner sa pambobola). di ko pa nagamit yung prize, GC ng chokiss (na gagamitin with the date)

habang nagliligpit ng gamit sa dorm, naisipan kong mag emo moment at kunan ng litrato ang mga naipon kong gamit na sumisimbolo sa highlights ng aking UP Life for the past two sems...

URC




URC pics

Sunday, April 5, 2009

buti pa klasmeyt ko nasa commecial na....

ng globe, haha, yung nagsalita na "singganda ng puerto princesa ang signal ng globe"...

wala lang

feeling ko sa future may television/movie/theater career din ako haha

Saturday, April 4, 2009

may grades na sa 198

kebs kung 1.5

ang mahalaga tapos na

mataas naman yun diba? considering na di kami nagpapasa ng pps o nagpapasa pero a.) walang pirma o b.) nakay doc m, stagnant

hay....