Wednesday, April 24, 2013

Lola

Three weeks ago, I Photoshopped a picture of you to pass as an ID picture. It was very hard for me. Mama didn't even peeked at the printed photo of you. Hindi niya kaya.


It was Independence Day of 2011 when I last saw you back in your colorful house in Zone 3. You managed to cram a lot of goodies to for me to take back to Manila. (It costed me 900 pesos for extra baggage!) I hugged you and said 'Bye la, lab you' and then trotted to the airport. I was then contemplating on doing this My Week with Marianita stunt of mine for the next year (It started in 2010 when I showed up unannounced in her backyard and ended up staying with her for one week). 2012 did not materialize, unfortunately. This 2013, My Week with Marianita will involve sending you off to your new abode beside Hermogenes, whom you longed to be with since 1996.

I only have fond memories growing up near you. Weekend mornings nabuburyo ako sa bahay kasi wala na akong mabasang libro didiretso na ako sa inyo para magbasa ulit ng libro at yung pinakabago mong Showbiz Horoscope comics. Sa gabi naman, pag ABS-CBN yung palabas sa bahay didiretso ulit sa inyo para manood ng GMA kasi fan ka rin ni Eugene, ni Recca, ni San Goku, at marami pang iba. Pagpasok at pag-uwi galing school nagkikita tayo kasi iisa lang yung daaanan papunta sa bahay. Lagi akong may baong joke tapos tatawa ka kahit hindi ko alam kung na-gets mo.  Ang 'Beatles' Room mo ang naging tamabayan ko sa bahay mo. Ang cool kasi! Doon ako nagbabasa ng imported books mo na circa 1960s. Tapos di ka magagalit kung nagkalat yung books, hinayaan mo akong i-expand ang imagination ko, and for that I thank you. :) 

Nung umalis ako para mag-aral sa Diliman ang regalo mo sa akin ay tuwalya na Harry Potter na gamit na gamit ko nung tumira ako sa Kalai. Alam mo talaga yung taste ko. Nung nagsipaglaki yung mga apo mo, you opened up an honesty store where kids can buy goodies and spend time with you na rin para hindi ka masyadong lonely.

Ang Beatles Room ni Lola

Lola's Honesty Store for Kids

Tapos ang busy-busy mo lagi! Hanep buhay sa Handicraft - junk food wrapper fillings para sa unan, Banig na gawa sa Buri, at kung anu-ano pa. Ikaw din ang resident Alteration Station ng Dagomboy. 



Naiinis ka nung kinukunan kita kaya gumanti ka, kinunan mo ako ng picture habang nilalabhan ko yung mga damit natin. Tapos nung umuwi ako galing sa isang lakad nakatupi na yung mga damit ko, Nanay ang peg! Nung nilasing ako nung mga Hayskul Klasmeyt ko (Hindi na ako iinom ng Tanduay maliban sa Tanduay Ice!), hindi ka nagsumbong kay Mama kahit napuyat ka kakahintay sa akin at sinukahan ko ang sala mo at yung duster mo.


Mami-miss kita, La. Sayang di na kita ulit mabibilhan ng gatas at iba pang groceries. Sorry po kung hindi natupad yung pangako kong lalabas tayo ang mag-Babalinsasayaw pagbalik ko (kahit hindi ka kumakain ng manok)

Lab you, kita kita nalang.






Facebook Comments

0 Flippin' Burgers:

Post a Comment

Relax, you may now post comments anonymously, just select the "Anonymous" profile on the "Comment As" dropdown menu :)