Tuesday, February 23, 2010

Ang Talaarawan ng isang Balisang Nilalang

Sometimes magandang magreflect ng mga luma mong blog posts para i-recall yung mga times noon, tapos i-contrast mo siya ngayon, ganun. haha. kaya ang ginawa ko nag cut-and-paste ako ng entries sa friendster blog ko, entitled

Sunday, February 21, 2010

Like a Virgin (blogged for the very first time)

I do have a friendster blog, but i do not update it anymore.

Now I'm new here to blogspot. This is my alternative to Facebook (which I am trying to get rid out of my online time)

I'd like to do a "Year in full color" type of blog, yun tipong mag-aatach ako nang kinunang picture for the day.

Thursday, July 9, 2009

Paalam, aming Mahal

Feeling ko kelangan ko xang gawan ng note.

ayun, namatay ang family pet namin. ang name niya ay Mahal, kasi ang mahal niya.

isa xang philippine cockatoo. sa mga di ma visualize, eto.

isa xang critically endangered species, at bawal xang gawing pet. hindi ko alam kung pano namin xa naaquire, pero sugatang sisiw xa nung una xang napunta sa amin. nung una, mailap xa, tapos mapili sa kinakain, palay lang ang kinakain nya.

inalagaan namin xa na parang isang normal na ibon, pero ang katala (cockatoo) pala ay marunong din magmimicry. so eventually, binabanggit na nya ang pangalan niya (mahal), tapos sumasayaw sayaw narin xa, parang nagootso otso , tapos kumakanta xa nang 'la la la' in the tune of Kylie Minogue's "Can't get you our of my head". Seryoso to. sayang di ko nabidyohan. isa pang binabanggit niyang name eh 'Robert!' na pasigaw, ginagaya nya sa nanay ko na laging sumisigaw pag hinahanap ang kapatid ko. marunong din xang magtiktilaok parang manok. mag miyaw na parang pusa. mag meeee na parang kambing. kumahol na parang aso. andami niyang kayang gawin na hindi namin tinuro (except dun sa sayaw/ la la la na ala kylie minogue)

pa-istar tong pet na ito. nung minsang tinali namin xa sa bakuran para makalipad-lipad sa puno, pinet namin yung mga baboy at kambing. naiingit ata, lumipad at nag-effort na makawala, tapos yun , nung napunta xa sa acacia, na-entangle. e ang taas ng puno. di xa makababa.

di namin maendure yung pain. mga 3 days xa sa puno ng acacia. naghire pa kami nang aakyat sa kanya. dun feeling ko nagsimula na xang maging malambing sa amin. pag pinapakawalan namin eh gustong gustong lumanding sa balikat namin na parang parrot nang pirata, tapos iruruffle yung buhok namin / kakagatin ang tenga tapos lilipat na naman sa isang family member.

nakakainis lang kung pano xa namatay. hindi napakain. namatay siya sa kainan niya, sabi nang nanay ko. tumulo luha ko, pati narin ang sa nanay ko. nakakamiss ang ingay niya, ang pagkagat nya sa daliri ko bilang paglalambing, ang pagpapapansin niya (sumasayaw/nag-iingay xa pag di xa pinapansin, pag pinansin mo naman tatahimik na)

namiss rin xa nang mga kapitbahay namin sa palawan, cavite at cebu (well travelled xa, nahirapan kaming ilipat lipat xa nang tirahan). marami xang batang napasaya at napaaliw.

Paalam mahal, sa wakas ay makalilipad ka na nang malaya. salamat sa limang taon. ang lifespan mo dapat at 20++ years. sayang talaga. sinama pa naman kita sa mga dreams ko. pagagawan sana kita nang sarili mong theme park para makalipad lipad ka. :)

o well, pag mayaman na ako, maghahanap talaga ako nito, kahit 400 nalang ang documented population nito. aalagaan ko xa nang bonggang bongga. mahirap kasing magbreed kasi inaaway nia yung mate niya, baka magpatayan sila. isa lang yung life partner niya dapat tapos tuwing mating lang sila nagkakasundo, tapos one egg per year lang. :(

Wednesday, June 10, 2009

The Next Level (after all that dillemas)

Just got enrolled, wla nang atrasan, MS EE na ako. Ginastusan ako nang gobyerno nang mga 13k para sa una kong sem

dilemma #1: Work vs. Studies - Studies! ang hirap bitawan nang offer sa sun, kasi hindi ko pa talaga alam if it was worth it....

dilemma # 2: Scholarship/Pagtuturo/MS Conundrum - Aftr all the options, ERDT ang pinili ko, dahil sa mga consequences that time. mukhang isasantabi ko nalang muna ang pagtuturo, pero nais ko xang ipursue sa takdang panahon, after MS dahil nga sa ERDT. pero mukhang dalawa lang kami ni JC ang maiiwan sa WCEL, kasi ang mga batchmates ko eh nasa kani kanilang mga faculty room (oo, viter-bi pa ko, hehe, pero makikita ko rin ang advantages nang walang teaching load kasabay sa MS, pero hindi ko pa alam sa ngayon)

Aabangan ko ang careeer ni terence, sana matanggap xa sa la salle. :) go terence!

dilemma #3: Thesis/Program of Study: kung sa undergrad eh tayo tayo lang ang nagpaplanoo nang buhay natin, sa MS no, merong program of studies, pag-uusapan nyo nang adviser mo ang mga kukunin mo. sobrang nahirapan akong gumawa nito. puro revisions ayon sa kagustuhan ng adviser, yun tipong "wag mung kunin yan, masyadong madali yan" at "Hindi ka naman pang-DSP diba?". Tapos yung thesis. sa thesis ako natatakot. he he. mag-isa nalang ako. hindi naman sa hindi ko kaya mag-isa, hindi ko lang alam ang aking haharapin. at thesis proposal mode na ako next sem, after nang napakahaggard na board exam sem.

Game!

Monday, June 8, 2009

Aboard SuperFerry 19




Mas gusto ko talaga mag travel by sea, para ka lang kasing nagcruise, tsaka ramdam mo ang perang ibinayad mo di tulad sa plane.

Tuesday, May 19, 2009

Lessons in Life

1.) Huwag mageentertain nang tawag kapag bagong gising
 - isang araw sa cebu, ginising ako nang nanay ko, tawag daw sa cellphone ko...wow part time job oppotunity daw! 15-20k! oo naman si ako, ni hindi ko man lang tinanong yung company (in fairness to me natanong ko naman kung sino yung tumawag, atenean daw xa tapos nirefer daw ako ni laurice...)

2.) Mag research bago makipagmeet
- ginawa ko to 2 hours before nang scheduled "meet the company" sa ortigas. since di ko nga nakuha yung company name. ginoogle ko nalang yung nuber na tumawag sakin. lo and behold! isang entry ang lumabas, blog pa. nilahad nito ang same calling style ni mr. atenean, pero si kuya blogger, nagconclude naman na scam. ni walang ibedenxa o sabi ni ganito, at in fairness to mr. blogger, di rin nya nabanggit ang company name. so dead end na ang reasearch ko.

segue: nakasabay ko si gino t. sa jeep papuntang mrt at sa mrt mismo, nasa may quezon ave. na nya narealize na magkatabi kami. haberday nga pala gino t.

3.) maging skeptical. very skeptical
- di nandun na ako, napansin ko, mga college students at fresh grad ang kasama ko, mga 20 kaming nakacorporate attire, pagkakita ko nang venue, biglang na LSS ako sa "we're gonna knock on your door..." in matching corporate attire and vaccuum cleaner in hand. eeskapo na sana nang biglang "hi, philip right?". ok wala nang atrasan...na overhear ko na UP ateneo at piling piling others yung mga nandun (pero dalawa lang kaming UP, di pa nakapag-usap)...ang speakers naman ay dentist na millionaire na. UP grad daw xa. tapos yung isa millionare na din. Ateneo grad naman. ang nasa isip ko wow ang diploma ay para sa MLM (multilevel marketing). tapos may video. grabe lang sa analysis at references at third-party recommendations, in fairness papasa sa 198. mukhang papasa sa scrutiny. pero may gusto akong i-raise na point pero wala kasi akong back-up. parang "unravenable". puro ateneo grads yung nandun, ala daw yung mga taga UP. in the end, sinabi ko na im not interested, kasi naging skeptic ako, kahit ininiislogan nila ang qoute ni mark twain , yung mas madidisapoint ka sa mga bagay na hindi mo ginawa kesa sa mga ginawa mo...

4.) if all else fails, damage control

- di ko kasi majudge kung scam, hirap talaga ako jan, pero nung paalis na kasi, magrefer naman daw ako nang taong baka interested, eh ang haba nang listahan, sabi ko di ko mapupuno, binalak kong maglagay nang fake names at numbers, pero baka maging disaster, so pinili ko nalang ang mga taong nasa abraoad na may cell number pa, ang mga nasa palawan, ang sure na sure akong hindi interesado/busy...

grabe lang. :(

 

Monday, May 4, 2009

UP College of Engineering Recognition Rites 2009




April 24, 2009 (Friday)

Epic fail dahil magalaw ang kamay ko. :)


98th General Commencement Exercises - UP Diliman




ang araw na sobrang init...

mas natuwa ako sa univ kasi kewntuhan lang kami nang kwentuhan

Monday, April 27, 2009

How I Spent my first day as a College Graduate

obviously not bumming around.

I, together with some WCEL RFID peeps, went with Doc M to San Miguel Packaging Plant in Pandacan, Manila.

Mission: to see how we can help them.

For 198ers, sabi nga ni Doc M, kung hindi immediate need ang research project ninyo, mapapaisip ka nang "Sino naman ang gagamit nito?", "To what end?", "Para san tong pag improve/pag explore ng RFID applications"

Ang tanong naman ng San Mig sa amin, "RFID has been around for more than 10 years now, why has it not been implemented on a wide-scale basis here in the Philippines?"

This is where we come in.

San Mig and hopefully, the UP team, is brewing up something: to develop an RFID framework for tracking San Mig's pallets on a nationwide and archipelagic basis.

Win - Win situation: they get improved chain supply management system, we get a chance to apply the skills we learned in the industry.

Ang sarap ng feeling na at long last, may mapag-aaplayan ka na ng skills mo na natutunan mo sa 198.

We visited their plant, talked to San Mig personnel, heard what their problem is, and met halfway to see how we can help them through RFID.

Doc M introduced us - one by one - proud na proud sa mga dinala nyang tauhan, tulad ng incoming faculty na sina Iris at Sieg. prinesent nya rin ang current and past researches ng lab on RFID. angsarap din nang feeling na binibida ng adviser mo sa audience yung research project mo. Nagpresent na kami sa San Mig before, pero iba kasi pag si Doc M ang nagpresent, napapatango nalang ang taga san mig.

grabe ang planta ng pallets (pallets - yung pinapatunan ng cases ng beer, etc, yung finoforklift, in fairness, kumikitang kabuhayan ang san mig sa pagpaparent dito tsaka mahal ang isang pallet kaya gusto nilang i-track kung nasaan lahat), parang unsafe for workers. ang saya pag marami ang nag-iisip kanina kung anong flavor ng RFID ang gagamitin at kung san ilalagay ang tag sa pallet, pano babasahin, etc.

nakabalik kami ng EEE ng mga 5. tapos umuulan, tapos wala akong kasabay sa venue ng gradbash, tapos tinopak ng pagka anti social == di na pumunta ng grad bash.

marami naman akong natutunan sa aking unang araw bilang graduate. :)