Feeling ko kelangan ko xang gawan ng note.
ayun, namatay ang family pet namin. ang name niya ay Mahal, kasi ang mahal niya.
isa xang philippine cockatoo. sa mga di ma visualize, eto.
isa xang critically endangered species, at bawal xang gawing pet. hindi ko alam kung pano namin xa naaquire, pero sugatang sisiw xa nung una xang napunta sa amin. nung una, mailap xa, tapos mapili sa kinakain, palay lang ang kinakain nya.
inalagaan namin xa na parang isang normal na ibon, pero ang katala (cockatoo) pala ay marunong din magmimicry. so eventually, binabanggit na nya ang pangalan niya (mahal), tapos sumasayaw sayaw narin xa, parang nagootso otso , tapos kumakanta xa nang 'la la la' in the tune of Kylie Minogue's "Can't get you our of my head". Seryoso to. sayang di ko nabidyohan. isa pang binabanggit niyang name eh 'Robert!' na pasigaw, ginagaya nya sa nanay ko na laging sumisigaw pag hinahanap ang kapatid ko. marunong din xang magtiktilaok parang manok. mag miyaw na parang pusa. mag meeee na parang kambing. kumahol na parang aso. andami niyang kayang gawin na hindi namin tinuro (except dun sa sayaw/ la la la na ala kylie minogue)
pa-istar tong pet na ito. nung minsang tinali namin xa sa bakuran para makalipad-lipad sa puno, pinet namin yung mga baboy at kambing. naiingit ata, lumipad at nag-effort na makawala, tapos yun , nung napunta xa sa acacia, na-entangle. e ang taas ng puno. di xa makababa.
di namin maendure yung pain. mga 3 days xa sa puno ng acacia. naghire pa kami nang aakyat sa kanya. dun feeling ko nagsimula na xang maging malambing sa amin. pag pinapakawalan namin eh gustong gustong lumanding sa balikat namin na parang parrot nang pirata, tapos iruruffle yung buhok namin / kakagatin ang tenga tapos lilipat na naman sa isang family member.
nakakainis lang kung pano xa namatay. hindi napakain. namatay siya sa kainan niya, sabi nang nanay ko. tumulo luha ko, pati narin ang sa nanay ko. nakakamiss ang ingay niya, ang pagkagat nya sa daliri ko bilang paglalambing, ang pagpapapansin niya (sumasayaw/nag-iingay xa pag di xa pinapansin, pag pinansin mo naman tatahimik na)
namiss rin xa nang mga kapitbahay namin sa palawan, cavite at cebu (well travelled xa, nahirapan kaming ilipat lipat xa nang tirahan). marami xang batang napasaya at napaaliw.
Paalam mahal, sa wakas ay makalilipad ka na nang malaya. salamat sa limang taon. ang lifespan mo dapat at 20++ years. sayang talaga. sinama pa naman kita sa mga dreams ko. pagagawan sana kita nang sarili mong theme park para makalipad lipad ka. :)
o well, pag mayaman na ako, maghahanap talaga ako nito, kahit 400 nalang ang documented population nito. aalagaan ko xa nang bonggang bongga. mahirap kasing magbreed kasi inaaway nia yung mate niya, baka magpatayan sila. isa lang yung life partner niya dapat tapos tuwing mating lang sila nagkakasundo, tapos one egg per year lang. :(